MNWD IGINIIT NA HINDI NALULUGI NG P20M AT HINDI GUMASTOS NG P30M PARA SA SEPTIC TANK SURVEY
NAGA CITY – Hindi nalulugi ng P20-milyon ang Metropolitan Naga Water District kahit na 2009 pa ang basehan ng singil per cubic meter.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay General Manager Engr. Virgillo Luansing, sinabi nitong sa Bicol Region ang MNWD ang may pinakamababang singil na P12.50 per cubic meter , pinakababa rin na singil sa Category A na water District sa buong bansa. Ito ay kahit pa nagmamahal ang mga materyales, dumarami ang mga emplyedong dapat na sweldohan at proyektong dapat gastosan.
Sa katunayan may naaprubahan nas ana noong 2020 na taas singil na P16.00 per cubic meter subalit hindi rin ito ipinatupad dahil sa pandemya. P24.00 ang cubic meter na average na singil sa ibang parte ng Bicol Region.
Ang pahayag ni Luansing ay kaugnay ng mga umano’y paninira sa MNWD ng ilang mga kilalang personalidad sa Naga kung saan nadadamay na ang pamilya ng mga empleyado.
Hindi naman nababali ang krusada ng MNWD na “No to Privatization”.
Bukod dito binigyang linaw din na mali ang impormasyong P40K lamang ang market value ng lupa na binili umano ng MNWD na P28-M para sa Water Treatment Facility. Ayon kay Luansing Tax declaration ang P40K lamang sa 5, 600 square meters na lupa.
Maliban dito, nilinaw din na kailanman ay hindi umabot sa P30-M ang gastos ng MNWD sa pagpapasurvey sa mga residential consumers para sa kanilang septic tank.